Monday, 06 September 2010
spacer
spacer
.
O kayong nananampalataya! Hanapin ang tulong (ng Allâh)  nang may pagtitiis at pagdarasal. Katotohanan, kasama ng Allâh ang mga matiisin. (Kabanata Al-Baqarah-2:153)

 
spacer
Punong Pahina arrow Punong Pahina
Punong Pahina
Ramadhaan – ang Buwan ng Pag-aayuno PDF Ilimbag Ipadala sa Email
 Ilang araw na lamang at sasapit na ang buwan ng Ramadhaan. Ang isa sa mga itinakdang tungkulin sa mga Muslim ay ginagampanan sa ika-siyam na buwan ng kalendaryong Hegira – ang pag-aayuno sa buong buwan ng Ramadhaan.
Ipagpatuloy…
 
Mga Aralin Tungkol sa Pag-aayuno PDF Ilimbag Ipadala sa Email

Tinipon  ni Khalid Evaristo

Image O kayong mananampalataya!  Ang Siyaam (pag-aayuno) ay ipinag-uutos sa inyo katulad ng ipinag-utos sa mga nauna sa inyo upang kayo’y magkaroon ng Taqwa(1). (Al-Baqarah 2:183)

Ano ang Siyaam?

Ang literal na kahulugan ng Siyaam ay “pag-iwas”.  Sa talatang nabanggit, nangangahulugan ito ng pag-iwas sa pagkain, inumin at pakikipagtalik sa asawa simula bago magbukang-liwayway hanggang sa takip-silim.

Ipagpatuloy…
 
Ika-apat na Haligi ng Islam: Ang Sawm (Pag-aayuno) sa Buwan ng 'Ramadhan' PDF Ilimbag Ipadala sa Email

Kailangang mag-ayuno ang isang Muslim sa buwan ng Ramadhan, sa bawa't taon. Nararapat na umiwas sa lahat ng bagay na makasisira sa pag-aayuno, tulad ng pagkain, pag-inom at pakikipagtalik ng mag-asawa mula sa oras ng pagtawag o hudyat ng 'Salatul-Fajr' hanggang sa pagtawag o hudyat ng pagsapit ng 'Salaatul-Maghrib' bilang tanda ng pagtalima o pagsunod sa kautusan ng Allah (U). Ang Allah (U) ay nagsabi,;

"O kayong Mananampalataya (mga Muslim)! Ang (pagsasakatuparan ng) Sawm  (pag-aayuno) ay ipinag-uutos sa inyo katulad ng ipinag-utos sa mga nauna sa inyo upang kayo ay maging Muttaqun  ..." (Qur'an 2:183)

 

Ipagpatuloy…
 
Karagdagang Liwanag sa Lapaz, Iloilo PDF Ilimbag Ipadala sa Email

ImageSa pakikipag-ugnayan ng ating kapatid na si Ibrahim Muyco sa ISCAG Philippines, naglakbay ang ilang mga kawani ng Da’wah department ng naturang tanggapang pinamumunuan ni Omar Penalber patungong Lapaz, Iloilo noong ika-27 ng Marso upang iparating ang mensahe ng Islam sa pamilyang Muyco.  Ayon na rin ito sa kahilingan ni Ibrahim na kasalukuyang nagtatrabaho dito sa Saudi Arabia na iparating sa kanyang pamilya ang katuruan ng Islam.Pagkaraan ng ilang oras ng paghahatid ng mensahe ng Islam, ang ama ni Ibrahim na tunay na bihasa sa Bibliya ay nagpukol ng maraming katanungan hinggil sa iba’t ibang paksa. Isa-isang tinugon ng ating mga kapatid ang kanyang mga katanungan at matamang ipinaliwanag sa kanya ang pananaw ng Islam hinggil dito.  Ang usapan ay inabot ng oras ng pagdarasal ng Salaah Dhuhr, kaya nama’y humingi muna ng ilang sandali ang ating mga kapatid na magsagawa ng pinagsamang Salaah Dhuhr at Salaah Asr dahil sila’y mga manlalakbay.Matapos ang Salaah, ipinaliwanag ng ating mga kapatid ang mga bahagi ng pagdarasal sa Islam na kinapapalooban ng pagpapatirapa na isinagawa rin ng mga naunang mga Propeta katulad nina Abraham, Moses at Hesus. 

Ipagpatuloy…
 
<< Simula < Prev 1 2 3 4 5 Next > Pangwakas >>

Results 1 - 9 of 45
 
spacer