|
Isinalin ni Raed Capule Sa America, ang pangalawang Linggo ng Mayo ay nakalaan para sa mga Ina at ang pangatlong Linggo ng Hunyo ay nakalaan naman para sa mga Ama. Ito ay lalong kilala sa tinatawag na Mother’s Day at Father’s Day. Ang ganitong kaikling panahong paggunita tungkol sa pamilya o lalong higit hinggil sa pagpaparangal sa kadakilaan ng Ina at Ama ay lubhang hamak na napakaikli kung ihahambing sa napakaraming walang katuturang bakasyon at kapistahan na pinagkakaabalahan nang mahabang panahon sa buong isang taon. Gayunpaman, katulad ng ibang mga okasyon, ang Araw ng Ina at Ama ay lagi nang nababahiran ng kulay ng komersiyalismo, ng iba’t ibang uri ng paninda na nauukol sa mga Araw na ito; kampanya ng parangal tungkol sa mga magulang; at tila walang katapusang hilera ng mga greeting cards (Happy Mother’s Day … Happy Father’s Day!).
|
|
Ipagpatuloy…
|
|
|
ni Abdulmalik Marasigan Marahil lahat tayo ay may kaalaman tungkol sa mga palatandaan ng Araw ng Paghuhukom. Ito ay nababanggit sa Banal na Qur'an at sa mga Hadith ni Propeta Muhammad. Ang unang kaganapan tungo sa Araw na iyon ang siyang huling yugto ng ating oras dito sa mundo – ang ating kamatayan. Magkagayon, may isang natatanging oras na nakatakda sa bawa’t isa sa atin, na mahalagang malaman at mapaghandaan. Ang oras na ito ay inilahad sa Hadith ni Propeta Muhammad. |
|
Ipagpatuloy…
|
|
|
ni Abdulmalik Marasigan Ang pagiging masunurin at mapagpasalamat sa Allah(swt) ay mariing ipinaliwanag sa Banal na Qur'an. Ipinangako ng Allah(swt) ang Kanyang di mabilang na biyaya para sa mga taong masunurin at mapagpasalamat sa Kanya.
At walang may buhay na mamamatay maliban sa kapahintulutan ng Allah sa itinakdang panahon. At sinumang magnais ng gantimpala sa mundong ito, Aming ipagkakaloob ito sa kanya. At sinumang magnais ng gantimpala sa Kabilang Buhay, Amin itong ipagkakaloob sa kanya. At Aming gagantimpalaan ang mga Shaaker (mapagpasalamat sa Allah.). (Al –Imran-3:145) |
|
Ipagpatuloy…
|
|
|

ni Khalid Evaristo Tanong : Ano ang ibig sabihin ng ‘Chrismas’ o Pasko ?
Sagot: Ito ay pagdiriwang ng kalakhang Kristiyano tuwing ika-25 ng Disyembre bilang paggunita sa mahimalang pagkasilang ni Hesus. Tanong: Naniniwala ba ang mga Muslim sa mahimalang pagkasilang ni Hesus ? Sagot : Oo. Sapagka’t ito ay nakasulat sa maraming talata sa Banal na Qur’an, halimbawa sa kabanata Al’Imran (3 :45-47). |
|
Ipagpatuloy…
|
|
|
|
<< Simula < Prev 1 2 3 4 5 Next > Pangwakas >>
|
| Results 28 - 36 of 45 |