|
Sa pakikipag-ugnayan ng ating kapatid na si Ibrahim Muyco sa ISCAG Philippines, naglakbay ang ilang mga kawani ng Da’wah department ng naturang tanggapang pinamumunuan ni Omar Penalber patungong Lapaz, Iloilo noong ika-27 ng Marso upang iparating ang mensahe ng Islam sa pamilyang Muyco. Ayon na rin ito sa kahilingan ni Ibrahim na kasalukuyang nagtatrabaho dito sa Saudi Arabia na iparating sa kanyang pamilya ang katuruan ng Islam.Pagkaraan ng ilang oras ng paghahatid ng mensahe ng Islam, ang ama ni Ibrahim na tunay na bihasa sa Bibliya ay nagpukol ng maraming katanungan hinggil sa iba’t ibang paksa. Isa-isang tinugon ng ating mga kapatid ang kanyang mga katanungan at matamang ipinaliwanag sa kanya ang pananaw ng Islam hinggil dito. Ang usapan ay inabot ng oras ng pagdarasal ng Salaah Dhuhr, kaya nama’y humingi muna ng ilang sandali ang ating mga kapatid na magsagawa ng pinagsamang Salaah Dhuhr at Salaah Asr dahil sila’y mga manlalakbay.Matapos ang Salaah, ipinaliwanag ng ating mga kapatid ang mga bahagi ng pagdarasal sa Islam na kinapapalooban ng pagpapatirapa na isinagawa rin ng mga naunang mga Propeta katulad nina Abraham, Moses at Hesus. |
|
Ipagpatuloy…
|
|
|
Sablayan Penal Colony, Mindoro Province - Sa pahintulut ng mga awtoridad ng Sablayan Penal Colony sa Mindoro, ang Islamic Studies, Call & Guidance of the Philipines (ISCAG), sa pangunguna ni Omar Penalber ay nagsagawa ng isang da’wah (paghahatid ng mensahe ng Islam) sa naturang piitan noong Marso 5,6 at 7 ng taong ito.
Matapos ang panayam, 24 sa mga nakabilanggo ang nagbigay-saksi sa kanilang pagyakap sa pananampalatayang Islam. Sa pagpapatuloy ng dawah sa loob ng piitan ng Sablayan Penal Colony, ang bilang ng Muslim doon ay umabot na sa 170. Nasa larawan ang ilan sa kanila na dumalo sa karagdagang panayam na ibinigay sa mga Muslim na ginanap sa kanilang bagong itinayong Masjid doon mismo sa loob ng Penal Colony. |
|
|
Talisay, Batangas - Isang paghahatid ng mensahe ng Islam ang ginanap sa Talisay, Batangas nitong nakaraang Febrero ng taong ito sa imbitasyon ng isang bagong Muslim na naninirahan sa pook na iyon. Ang layunin ng kanyang paanyaya ay upang malaman ng kanyang pamilya at mga kamag-anak ang katuruan ng pananampalatayang Islam na kanyang niyakap kamakailan. Dalawa sa kanyang kamag-anak ang yumakap sa Islam pagkaraan ng naturang da’wah na pinamunuan nina Omar Penalber at ang Da’wah Department Head na si Abdullah Pineda. Dumalo rin sa panayam na ito ang ilang mga opisyales ng ISCAG bilang pagsaporta sa pagbibigay ng tamang impormasyon ukol sa Islam sa bawa’t pagkakataong dumating sa kanila.
|
|
|
Cavite, March 18, 2010 - When he arrived at the Islamic Office for Call and Guidance or ISCAG Office today, he was Bernadine Jurilla but before he can even leave the ISCAG office, he is now Abdullah Jurilla, A newly reverted Muslim. Abdullah was accompanied by another ISCAG volunteer and invited to listen to the true teaching of Islam. And the clarity of the messages has penetrated his heart and lead him to the acceptance of the trur faith of Islam. Bro. Abdullah recited the Shahadah in the office of Bro. Omar Penalber at the Islamic Office for Call and Guidance or ISCAG Office in Salitran, Cavite City, Philippines. |
|
|
 Imus Cavite - Isa sa ating kababayan ang nag-sasaliksik mg katotohanan ay yumakap sa pananmpalatanyang Islam sa Imu, Cavite noong Huwebes ng Gabi (11 March 2010). Sa Balungao, Pangasinan noong Sabado ( Saturday - 13 March 2010), anim sa ating mga kababayan ang nag Balik-Islam, Alhamdulillah!
Sa isa sa mga programa ng pagtuturo ng ISCAG o Islamic Studies, Call and Guidance of the Philippines (ISCAG) na kung saan pinamumunuan ni Bro. Omar Penalber, dito narining ng ating kababayan ang totong turo ng Islam.  |
|
Ipagpatuloy…
|
|
|
|
<< Simula < Prev 1 2 Next > Pangwakas >>
|
| Results 1 - 9 of 18 |