Wednesday, 10 March 2010
Punong Pahina
Mensahe Ng Islam
Panimula PDF Ilimbag Ipadala sa Email

Image Ni  Sheikh Abdulrahman Al-Sheha

Ako ay magsisimula sa Ngalan ng Allah, Ang Mahabagin, Ang Maawain Lahat ng papuri at pagsamba ay nauukol lamang sa Allah (U), ang Rabb ng mga Daigdig at nawa’y purihin at itampok ng Allah (U) ang pagbanggit sa huling Propeta (Muhammad, ) at iligtas siya at ang kanyang pamilya sa anumang pagkukulang at pangalagaan sila mula sa anumang kasamaan.

Ipagpatuloy…
 
Ang Paniniwala sa Nag-iisang Diyos – Allah PDF Ilimbag Ipadala sa Email
Ang Islam, katulad ng mga ibang kilalang relihiyon ay binubuo ng iba’t ibang aral at paniniwala na nangangailangan ng pagsunod at pagtalima ng mga mananampalataya nito at ang pagpapalaganap ng mensahe nito ay walang sapilitan. Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi :
Ipagpatuloy…
 
Ang Mga Pangunahing Layunin ng Islam PDF Ilimbag Ipadala sa Email
Image Sa kanyang pananalita sa Mina  bilang Huling Hajj, ang Propeta () ay nagsabi ;    “Alam ba ninyo kung anong araw ito? Sila (mga kasamahan) ay sumagot, ‘Ang Allah at ang Kanyang Sugo ang higit na nakaaalam.” Sinabi niya, ‘Tunay na ito ang banal na araw [ang Araw ng Arafah sa Hajj].” Alam ba ninyo kung anong pook ito? Ang kanyang mga kasamahan ay sumagot; ‘Ang Allah at ang Kanyang Sugo ang higit na nakaaalam.” Ang sabi niya, ‘Ito ang banal na pook (Makkah at ang kapaligiran nito). ‘Alam ba ninyo kung anong buwan ngayon? Sila (ang mga kasamahan) ay sumagot, ‘Ang Allah at ang Kanyang Sugo ang  higit na nakaaalam. ‘Ito ang banal na buwan (ang buwan ng Dhul Hijjah, ang ika-12 buwan ng kalendaryo ng Islam), Katotohanan, ginawa ng Allah ang inyong buhay, ang inyong mga kayamanan,  ang inyong dangal bilang banal at sagrado, tulad ng pagiging sagrado ng araw na ito, sa (sagradong) buwan na ito, at sa (sagradong) pook na ito. (Bukhari)
Ipagpatuloy…
 
Ang Mga Katagang Ginamit sa Aklat na Ito PDF Ilimbag Ipadala sa Email

(Sinipi mula sa Aklat ni Sheikh Mahmoud Murad na: 'Common Mistakes in Translation')

Rabb: Ang katagang Rabb ay kadalasang isinasalin ng iba bilang katumbas ng salitang Panginoon (Lord). Subali't, bukod sa katotohanang ang huli ay isang katagang ginamit sa Bibliya, ang katagang ito ay ginagamit din kapag tinutukoy si Propeta Hesus () bilang kanilang Panginoon. Ang salitang Panginoon (Lord) ay isang kataga na ang karaniwang kahulugan nito ay nakahangga lamang sa isang "guro, pinuno, may-ari o tagapamahala", na sadyang kapos at kulang sa diwa o kahulugan kung ihahambing ito sa katagang Rabb sapagka't ang Rabb (na mula sa wikang arabik) ay mayroong malawak na kahulugan at kahalagahan. Ang ilang mahahalagang kahulugan ng Rabb ay ang Tagapaglikha, ang Tagapaghubog (Tagapag-anyo), ang Tagapanustos, ang Tanging Isa na inaasahan ng lahat ng mga nilikha upang patuloy na mabuhay, at Siya ang Tanging Isa na nagbibigay ng Buhay at nagdudulot ng Kamatayan. Sa aklat na ito, gagamitin natin ang katagang Rabb na may panaklong na (Panginoon) upang maging madali sa mga mambabasa.


Ipagpatuloy…
 
Ang Mga Pangunahing Katangian ng Islam PDF Ilimbag Ipadala sa Email

Maraming malinaw na mga kapahayagan sa Qur’an at sa mga Hadeeth  ng Propeta () na nag-ulat na ang relihiyon ng mga Propeta ay nag-aanyaya sa isang dakila at pangunahing prinsipiyo, (i.e. ang Kaisahan ng Allah (U). Nagpadala ng mga Propeta ang Makapangyarihang Allah (U) sa sangkatauhan, at ang mga naunang mensahe ng bawat isa (Propeta) ay pinawalang-bisa ng mga sumunod dito, mula kay Noah hanggang sa pagdating ni Muhammad (). Ang Propeta () ay nagsabi;

'Ang aking halimbawa at ang halimbawa ng mga Propetang nauna sa akin ay tulad ng isang taong nagtayo ng isang bahay, na kanyang itinayo at binuo nang maganda at mahusay maliban sa isang puwang ng isang tipak (ng bato); ang mga tao ay nagsisilibot sa bahay at napapatingin nang may paghanga sa kabuuan nito at nagsasabing, 'kung inilagay lamang sa puwang na ito ang tipak (ng bato)!' Ang Propeta  ay nagsabi: 'Ako ang puwang na tipak (ng bato) na iyon, at  ako ang Huli sa (kawing ng) mga Propeta.'   (Bukhari #3342)

Ipagpatuloy…
 
Sa Islam ang Lahat ng Tao ay may Karapatan at Kalayaan PDF Ilimbag Ipadala sa Email

A) Kalayaan sa pag-iisip at pagpapahayag ang sariling opinyon.  Ang Islam ay nanghihimok sa kanyang mga tagasunod na magsabi ng katotohanan at ipahayag ang kanilang kaisipan tungkol sa anumang bagay – lalu na ang mga nakabubuting paksa na dapat bigyang-pansin na walang dapat pangambahan. Ang Propeta () ay nagsabi;
 
“Ang pinakamabuting pagsasagawa ng jihad  ay ang pagsasabi ng katotohanan sa harapan ng isang mapaniil at mapang-aping pinuno.” (Abu Dawud)

Ipagpatuloy…
 
Ang Aspetong Pang-Ispirituwal ng Islam PDF Ilimbag Ipadala sa Email

Ang Pagsamba (Ibadah):

Ang Deen ng Islam ay nagpakilala ng mga ibat-ibang gawaing pagsamba; ang mga ito ay binubuo ng pinagtipunang salita, pisikal at mga doktrina ng mga gawaing pagsamba. Ang mga doktrina ng mga gawaing pagsamba  ay ang mga ‘Haligi ng Pananampalataya’, ito ang mga sumusunod;

Ang Paniniwala sa Nag-iisang Diyos (Allah, U):

Ang paniniwala sa Allah (U) nagpapahiwatig na ang Allah (U) ay Isa at Tanging Nag-iisa sa mga sumusunod na aspeto o pananaw ;

1) Kaisahan sa Kanyang Pagka-Rabb–PangAinoon (Tawheed Ruboobiyah); Ito ay pagpapatunay na ang Allah (U) ay Buhay, na Siyang lumikha sa buong sansinuklob, sa Kanya ang  Pagmamay-ari at Siya ang Tagapamahala sa lahat ng bagay. Siya ang Nagpahintulot  upang ang lahat ay maganap at mgkaroon ng buhay; na walang mabubuhay o mananatili maliban sa Kanyang Kapahintulutan.  Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi ;

“…Tunay na Kanya ang lahat ng (kapangyarihan ng) paglikha at kautusan. Luwalhati sa Allah, ang Panginoon ng lahat ng nilikha.” (Qur’an 7:54)

Ipagpatuloy…
 
<< Simula < Prev 1 2 3 Next > Pangwakas >>

Results 1 - 23 of 63
spacer