Tuesday, 06 January 2009
Punong Pahina
Mensahe Ng Islam
Ang Mga Patakaran ng Shahaadah: PDF Ilimbag Ipadala sa Email

Hindi sapat na bigkasin lamang ang Shahaadah upang ito ay tanggapin ng Allah (U). Ang Shahaadah ay itinuturing na isang susi sa pintuan ng Paraiso, datapwa't upang ito ay maging makabuluhan, kinakailangan ang tamang patunay nito. Ang Shahaadah ay dapat tugunan ng mga sumusunod na mga patakaran upang ito ay tanggapin ng Allah (U).

1) Karunungan (Al-Ilm): binubuo ng kaalaman na ang lahat ng mga ibang bagay na sinasamba bukod sa Allah (U) ay mga huwad na diyos maging ito man ay isang dakilang Propeta, Sugo o isang marangal na anghel. Walang sinuman o anupaman sa mga nilikha ang maaaring ituring bilang diyos, o naging diyos, magiging diyos o may pagkadiyos, o may kahati sa pagkadiyos. Tanging ang Nag-iisang Tagapaglikha ang Siyang Tunay na Diyos. Samakatuwid, walang ibang diyos na dapat sambahin sa katotohanan maliban sa Allah (U). Ang Allah (U) lamang ang nararapat na pag-ukulan ng lahat ng uri ng pagsamba, tulad ng pagdarasal (Salaah), pagdalangin (Du'aa), pagluhog ng pag-asa, pag-aalay at panunumpa, at iba pa.

 

Ipagpatuloy…
 
Ang Kahulugan ng Ikalawang Pagsaksi; ‘na si Muhammad (r) ay Sugo ng Allah' PDF Ilimbag Ipadala sa Email

Ang pagsaksi na si Muhammad ay Sugo ng Allah ()… ito ay nangangailangan ng mga sumusunod;

1) Ang maniwala na siya ay isang Sugo (), at siya ang pinakamabuti at huli sa kawing ng mga Sugo, at wala ng Sugo pang darating pagkaraan niya. Ang Allah (U) ay nagsabi;

"Si Muhammad ay hindi ama ng sinuman sa inyo, datapwa't siya ang Sugo ng Allah at Sagka (Huli) sa lahat ng mga Propeta…" (Qur’an 33:40)

2) Ang maniwala na siya ay walang (nagawang) pagkakamali sa mga aral na kanyang ipinalaganap mula sa Allah (U). Ang Allah (U) ay nagsabi;

 

Ipagpatuloy…
 
Ikalawang Haligi ng Islam: Ang 'As-Salaah' (Pagdarasal) PDF Ilimbag Ipadala sa Email

Pagkaraang magpahayag ng 'Shahaadah', isang tungkulin ang magsagawa ng pagdarasal (As-Salaah) ng limang ulit, sapagka't ito ang gulugod ng relihiyon, na kung ito ay hindi isinasagawa ng isang tao ang kanyang pagiging Muslim ay hindi maisasaalang-alang na ganap. Ang Propeta () ay nagsabi; (nagbigay ng paghahalintulad ng relihiyon at sa kamelyo);

"Ang haligi ng Relihiyon ay ang Islam (ang Shahaadatain); na ang gulugod nito ay ang Salaah (Pagdarasal), at ang pinakamataas na bahagi nito, ay ang Jihad (pagkikipaglaban sa Landas ng Allah) ." (Mustadrak Al-Haakim)

 

Ipagpatuloy…
 
Ikatlong Haligi ng Islam: Ang Takdang Kawanggawa ('Zakaah') PDF Ilimbag Ipadala sa Email

Isa sa mga tungkulin ng Muslim ay ang pagbabayad ng 'Zakaah' (itinakdang Kawanggawa) ng mga mayaman na Muslim sa mga karapat-dapat na makatanggap nito (sa mga maralita at mahirap) upang sila ay mailigtas sa kahihiyan ng pagpapalimos. Ang Zakaah ay ubligado sa lahat ng Muslim na mayroong Nisaab (pinakamababang halaga na nararapat pagkunan ng Zakaah) Ang Allah (U) ay nagsabi:

"At sila ay hindi napag-utusan maliban na sila ay sumamba (lamang) sa Allah, maging matapat  sa pananampalataya sa Kanya, maging matuwid at   magsagawa ng Salaah (pagdarasal), at magbigay ng Zakaah (kawanggawa), ito ang tunay (at tuwid) na pananampalataya." (Qur'an 98:5)

Ipagpatuloy…
 
Ika-apat na Haligi ng Islam: Ang Sawm (Pag-aayuno) sa Buwan ng 'Ramadhan' PDF Ilimbag Ipadala sa Email

Kailangang mag-ayuno ang isang Muslim sa buwan ng Ramadhan, sa bawa't taon. Nararapat na umiwas sa lahat ng bagay na makasisira sa pag-aayuno, tulad ng pagkain, pag-inom at pakikipagtalik ng mag-asawa mula sa oras ng pagtawag o hudyat ng 'Salatul-Fajr' hanggang sa pagtawag o hudyat ng pagsapit ng 'Salaatul-Maghrib' bilang tanda ng pagtalima o pagsunod sa kautusan ng Allah (U). Ang Allah (U) ay nagsabi,;

"O kayong Mananampalataya (mga Muslim)! Ang (pagsasakatuparan ng) Sawm  (pag-aayuno) ay ipinag-uutos sa inyo katulad ng ipinag-utos sa mga nauna sa inyo upang kayo ay maging Muttaqun  ..." (Qur'an 2:183)

 

Ipagpatuloy…
 
Ikalimang Haligi ng Islam: Ang Hajj (Paglalakbay sa Makkah) PDF Ilimbag Ipadala sa Email

Ang Hajj ay isang banal na paglalakbay sa Banal na Tahanan ng Allah, U (ang Ka'bah) upang magsagawa ng mga itinakdang rituwal sa mga partikular na pook at partikular na oras. Ang pagsasagawa ng Hajj ay isang tungkulin ng isang Muslim minsan sa kanyang tanang buhay. Ang haliging ito ng Islam ay isang takdang tungkulin at nararapat gampanan ng lahat ng mga Muslim, lalake man o babae, na nasa tamang pag-iisip at tamang gulang, (mula sa gulang ng pagbibinata o pagdadalaga) at may sapat na kakayahang pangkalusugan at pananalapi. Sa isang Muslim na may sapat na pananalapi nguni't may karamdaman na sadyang humahadlang sa kanyang pagsasagawa ng Hajj, siya ay maaaring magtalaga ng isang tao upang magsagawa ng Hajj para sa kanya. Datapwa't kung ang kanyang nakalaang gugugulin ay sapat lamang sa kanilang mga pang-araw-araw na pangangailangan, hindi sapilitan sa kanya ang pagsasagawa ng Hajj. Ang Allah (U) ay nagsabi;

Ipagpatuloy…
 
Ang Aspetong Politikal ng Islam PDF Ilimbag Ipadala sa Email

Ang Islamikong legislatura ay nagpanukala ng pangunahing prinsipiyo at patakaran sa larangan ng pampulitikang na siyang tumatayong batayan o haligi kung saan naitayo ang Islamikong panlipunan. Ang namumuno ng Pamayanan ng Muslim ay katulad ng isang kinatawan na nagpapatupad sa mga kagustuhan ng Allah (U) sa panahon ng pagpapalakad niya sa mga tuntunin at mga prinsipiyo. Ang Allah (U) ay nagsabi;

“Sila ba ay nagsisikhay ng paghusga (batay sa panahon ng pagano) kamangmangan? Datapwa't sino ba ang higit na mabuti sa paghuhusga maliban sa Allah sa paghatol sa  mga tao na may katiyakan (sa kanilang) pananampalataya” (Qur’an 5:50)

Ipagpatuloy…
 
<< Simula < Prev 1 2 3 Next > Pangwakas >>

Results 24 - 46 of 63
spacer