Tuesday, 06 January 2009
Punong Pahina
Mensahe Ng Islam
Ang Mga Kautusan PDF Ilimbag Ipadala sa Email

Ang mga  sumusunod ay ilan lamang sa mga kautusan ng Islam:

1. Ang  Islam ay nag-aanyaya nang ganap na katarungan maging sa pananalita at sa gawa. Ang Qur’an ay nagsabi:

“Alalahanin! Katotohanan, Ang Allah ay nag-uutos ng Al-Adl (katarungan at pagsamba sa Allah lamang) at Ihsan (pagsasagawa ng inyong mga tungkulin sa Allah nang may kataimtiman at katapatan), nang ganap para sa (kasiyahan) ng Allah at naaayon sa Sunnah ng Sugo ng Allah at magbigay ng tulong sa mga kamag-anak at pagbabawal ng Al Fasha (mga makasalanang gawa tulad ng pangangalunya at ibang pang malalaswang pakikipag-ugnayan) at Al Munkar (mga makasalanag Gawain ukol sa kawalan ng pananalig sa Allah at Al Baghy (lahat ng uri ng pang-aabuso at pang-aapi). Kayo ay Kanyang binigyan ng babala upang sakali kayo ay magbigay pansin (tumalima).” (Qur’an 16:90)

 

Ipagpatuloy…
 
ISANG SULYAP SA MGA ILANG KAUGALIAN SA ISLAM PDF Ilimbag Ipadala sa Email


Ang Deen (relihiyon) ng Islam ay nagpakilala ng ilang kaugalian na ipinag-aanyaya sa Muslim na sundin upang taglayin ang ganap na larawan ng isang mabuting tao. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

 
ANG KAUGALIAN SA HAPAG-KAINAN PDF Ilimbag Ipadala sa Email

1) Banggitin ang Pangalan ng Allah (U) (sa pagsabing 'Bismillah') bago kumain o uminom. Pagkatapos kumain at uminom ay dapat na magpasalamat sa Kanya [sa pamamagitan ng pagsabing 'Alhamdulillah' (papuri at pasasalamat ay para sa Allah (U)]. Kailangang unang kainin ang nasa inyong harapan (at hindi ang nasa harap ng iba), at gamitin ang kanang kamay kapag kumakain, sapagka't ang kaliwang kamay ay karaniwang ginagamit sa paglilinis ng mga marurumi (tulad ng maselang bahagi ng katawan pagkatapos gumamit ng palikuran at ibang katulad nito).

Ipagpatuloy…
 
ANG KAUGALIAN SA PAGTUNGO SA PALIKURAN PDF Ilimbag Ipadala sa Email

Sa pagtungo sa palikuran, nararapat pumasok na una ang kaliwang paa at magsabi ng; 

"Bismillah Allahumma inni a'oodhu bika min al-kubti wal-khaba'ith."
Ang kahulugan ay: "Sa Ngalan Mo, O Allah, ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa mga lalaki at babaing demonyo." (Bukhari)

Sa paglabas ng palikuran, lumabas na una ang kanang paa at magsasabi ng;
"Ghufraanak." Ang kahulugan ay: "Ako ay patawarin Mo ." (Iniulat ni Ibn Hibban at ni Ibn Maajah)

Habang nasa tawag ng kalikasan, huwag humarap sa dakong direksiyon ng Qiblah (ng Makkah). Si Abu Hurairah () ay nagsabi:

Ipagpatuloy…
 
ANG KAUGALIAN SA PAGHINGI NG PAHINTULOT PDF Ilimbag Ipadala sa Email

1. Ipinagbabawal ang pagpasok sa mga ibang bahay nang walang pahintulot. Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi:

"O kayong mga Mananampalataya! (mga Muslim) Huwag kayong magsipasok sa mga tahanan maliban sa inyong sariling (tahanan) hanggang kayo ay humingi ng kapahintulutan at batiin yaong nasa loob nito; ito ay higit na makabubuti para sa inyo upang sakali kayo ay (matutong) makaalala." (Qur'an 24:27)
 
2. Ang isang taong nasa loob ng pamamahay at nais pumasok sa silid. Ang Allah (U) ay nagsabi:

"… At kung ang mga bata na kabilang sa inyo ay umabot na sa tamang gulang, hayaan silang humingi ng pahintulot sa nakatatanda sa kanila (sa gulang). (Qur'an 24:59

Ito ay naglalayong pangalagaan at panatilihin ang mga pansariling karapatan o bagay na hindi dapat makita ng sinuman tulad ng sinabi ng Propeta ().

"Isang tao ay sumilip sa silid ng Propeta mula sa isang butas ng pintuan, at ang Propeta ay may tangan ng isang ngipin ng suklay habang kinakamot ang kanyang ulo. Kanyang sinabi sa kanya, "Kung alam ko lang na ikaw ay nakasilip, sinundot ko sana ang iyong mata nito. Katotohanan, ang paghingi ng pahintulot ay ipinag-utos upang hindi makita ng sinuman (ang pansariling gawain ng isang tao sa sariling pamamahay)." (Bukhari)

 

Ipagpatuloy…
 
ANG KAUGALIAN SA PAGBATI NG SALAAM PDF Ilimbag Ipadala sa Email

Ipinag-uutos ng Islam sa lahat ng kasapi ng lipunan na magbatian ng Salaam (as-Salaamu A'laykum) sapagkat ito ay nagbubunga ng pagmamahalan at pagkakaibigan sa bawat isa. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi;

"Kayo ay hindi maaaring makapasok sa Paraiso hanggang kayo ay hindi sumasampalataya, at kayo ay hindi magiging tunay na Mananampalataya hanggang hindi kayo nagmamahalan sa isa't isa. Aking sasabihin sa inyo ang isang bagay na kung ito ay inyong gawin, kayo ay magmamahalan sa isa't isa? Magbatian kayo ng 'Salaam' sa bawa't isa." (Muslim)

 

Ipagpatuloy…
 
ANG KAUGALIAN KAUGNAY NG PAG-UPO PDF Ilimbag Ipadala sa Email

Nararapat na magbigay ng pagbati sa mga naroroon sa pagtitipon, sa sandaling pumasok at maging sa paglisan sa pagtitipon. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:

"Sinuman sa inyo ang dumating sa isang pagtitipon, hayaang bumati siya sa kanila ng Salaam. Kung nakikita niya na siya ay nararapat na umupo, hayaan siyang maupo. Kapag siya ay tumayo (upang lumisan) magkagayon, nararapat siyang bumati sa kanila (ng As-salamu alaykum) muli, sapagkat ang isang nauna ay hindi nakahihigit sa kahalagahan kaysa sa iba." (Abu Dawud)

 

Ipagpatuloy…
 
<< Simula < Prev 1 2 3 Next > Pangwakas >>

Results 47 - 63 of 63
spacer