Thursday, 09 September 2010
Punong Pahina arrow Kaganapan arrow Paglalakbay sa Palawan
Paglalakbay sa Palawan PDF Ilimbag Ipadala sa Email

ni Omar Penalber

Muli na namang naglakbay ang may-akda kasama si kapatid na Nuh upang tugunin ang paanyaya ni Police Captain Eldie Bantal, ang Hepe ng As-Salaam Police at Chief Officer ng Public Community Relations sa lalawigan ng Palawan, upang magbigay ng panayam sa iba’t ibang pook ng Palawan sa loob ng 10 araw simula Agosto 12, 2007. Ito ay naaayon na rin sa programa ng As-Salaam Police na magkaroon ng unawaan ang bawa’t Pilipino – Muslim man o Kristiyano tungo sa pagkakaisa at kaunlaran ng bansa.

Agosto 12, bandang 9:30 ng umaga nang lumapag ang aming sinasakyang eroplano sa paliparan ng Puerto Prinsesa. Sinalubong kami ni Kapitan Bantal at dinala kami sa malapit na istasyong radyo – DZRM. Isang oras ang ibinigay sa amin upang ipaliwanag ang mga pundamental na katuruan ng Islam. Pagkaraan ng aming Salaah Dhur at tanghalian, dinala kami ni Kapitan sa isang kalapit na istasyong radio, ang DYER. Ang programa ay bukas sa lahat ng nais tumawag upang magtanong tungkol sa Islam. Ang magiliw na talakayan at pag-uusap sa himpapawid ay tumagal ng isa at kalahating oras dulot na rin ng napakaraming katanungan mula sa mga tagapakinig ng nasabing palatuntunan.

Image

Sa araw ding ito, sinumulan namin sa ganap na alas-5 ng hapon ang isang panayam sa Al Farooq Arabic School na dinaluhan ng 110 students. Ito ay ginanap mismo sa Masjid ng naturang paaralan. Masasabi naming ang buong araw ng Agosto 12 ay isang tagumpay sa pagbibigay ng tunay ng mensahe ng Islam sa ating kababayan. Abangan ang paglalathala tungkol sa mga sumunod na araw ng aming paglalakbay sa Palawan dito sa www.tanglawbuhay.com.


Maraming salamat po.

 
spacer