| Panayam sa Philippine National Police Academy (PNPA) |
|
|
|
|
Sa pakikipagtulungan ng ISCAG-Philippines, natutugunan nito ang paanyaya ng PNPA upang magbigay ng panayam sa mga mag-aaral sa naturang paaralan tungo sa pagkakaroon ng tamang kaalaman hinggil sa mga Muslim at Islam. Ito ay naayon na rin sa layunin ng polisya at ng pamahalaan na maging maalam sa iba’t ibang kultura at kaugalian ng mga Pilipino upang magkaroon ng pagkakaunawaan – isang mahalagang bahagi sa pagkakaroon ng katiwasayan at kaunlaran ang buong bansa.
Marami na rin sa mga nagsipagtapos sa PNPA ang nadestino sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan na may matataas na katungkulan. Ang iba sa kanila’y isinusulong na rin ang mga ganitong panayam sa kanilang mga rehiyon katulad ni Police Captain Eldie Bantal. Siya rin ang Chief of Salaam Police at Chief Officer of the Public Community Relations ng Probinsiya ng Palawan. Ang huling panayam na ginanap sa PNPA ay noong Setyember 9, 2007 na dinaluhan ng mga bagong mag-aaral. |