| Ang Bagong As-Salaamah Masjid |
|
|
|
|
ni Omar Penalber Araw ng Huwebes, ika-6 ng Setyember 2007 nang magpunta ang may-akda, si kapatid na Nuh at Ibrahim sa Cotobato upang paunlakan ang paanyaya ni Engr. Shams na saksihan ang unang pagbubukas ng As-Salaamah Masjid – isang proyekto ng ISCAG Philippines sa pagtugon sa pangangailangan ng mga Muslim na magkaroon ng pook-dasalan na naturang lugar. Mga alas-4 ng hapon sa araw ding yaon, sinumulan ang isang panayam na isinaayos ni Engr. Shams na ginanap sa labas ng Masjid. Ito ay dinaluhan ng 50 katao na kinabibilangan ng Muslim at Kristiyano. Kinabukasan, araw ng Biyernes, unang ginanap ang Salatul Jumaah sa naturang Masjid. Katulad ng inaasahan, ang Masjid ay punong-puno, dinaluhan iyo ng mga 1,200 Muslim sa lugar na iyon at maging mula sa karatig pook. Bago sinimulan ang Salaatul Jumaah, binigyang puwang ang pagbibigay-panayam ng may-akda at nina Nuh at Ibrahim. Si Engr. Shams at isang kapatid na nakaririwasa sa pook na iyon ay naghanda ng miryenda sa mga nagsipagdalo. Nagpahatid din ng miryenda ang ina ng dating Philippine Ambassador sa Saudi Arabia na si Abraham Guinomla. Bagaman marami pang dapat tapusin sa Masjid, ipinasiyang buksan na ito upang isabay sa pagdating ng Ramadhaan. “Napakaganda ng Masjid na ito!” ang bulalas ng marami sa mga nagsagawa ng Salaah sa Masjid As-Salaamah |
Mga alas-4 ng hapon sa araw ding yaon, sinumulan ang isang panayam na isinaayos ni Engr. Shams na ginanap sa labas ng Masjid. Ito ay dinaluhan ng 50 katao na kinabibilangan ng Muslim at Kristiyano.