Monday, 06 September 2010
Punong Pahina arrow Kaganapan arrow MALIGAYANG EIDUL-FITR
MALIGAYANG EIDUL-FITR PDF Ilimbag Ipadala sa Email
Isang Malaking Pagdiriwang sa ISCAG
Ni Khalid Evaristo

Alhamdullillaah, ang nakarang pagdiriwang ng Eidul-Fitr sa loob ng compound ng
ISCAG-Philippines ay masasabi nating napakasaya at naging kasiya-siya sa lahat ng mga nagsipagdalong Muslim mula sa iba’t ibang bayan ng Cavite at ng mga karatig pook. Maging ang mga mag-aaral na Muslim sa PNPA (Philippine National Police Academy) ay inihatid ng kanilang di-Muslim na overseer upang sumama sa Salaatul-Eid na idinaos sa ISCAG compound.  Sadyang napakarami ang nagsipagdalo na hindi nagkasya sa inihandang mga dasalan sa basketball court, kaya nagsilatag na lamang ng mga tela sa paligid nito upang bigyang puwang ang maraming sumama sa pagdarasal.   Parami nang parami ang nagsisipagdalo sa mga ganitong pagdiriwang sa loob ng ISCAG compound na nagsisilbing panghikayat sa mga tagapamahala at kawani ng ISCAG-Philippines na ipagpatuloy at pag-ibayuhin ang kanilang pagsisikap na itaguyod ang pagpapalaganap ng tunay na mensahe ng Islam tungo sa pagkakaunawaan, kapayapaan at kaunlaran ng sambayanan. Pagkaraan ng Eidul-Salaah, nagkaroon ng masaganang salu-salo na inihanda ng mga naninirahan sa mga apartment building sa loob ng ISCAG compound.  Iba’t ibang putahe ang napagkasunduang ihanda mula sa mga tanyag ng pagkaing mula sa mga Tausog, Maguindanao, Maranao, Tagalog, Campampangan, atbp.

Ang isa sa mahalagang naganap sa pagdiriwang na yaon ay ang pagtanggap ng PNPA overseer sa pananampalatayang Islam.  Bagaman siya ay itinalaga lamang ng PNPA bilang tagapagbantay sa mga kadeteng Muslim na dumalo sa Eidus-Salaah, ito ang itinakdang daan ng Allah upang siya’y patnubayan Niya sa landas ng Islam.  Alhamdullillaah-Rabil-aalameen!
 
spacer