| Ang Aspetong Pang-Ispirituwal ng Islam |
|
|
|
|
Ang Pagsamba (Ibadah): Ang Deen ng Islam ay nagpakilala ng mga ibat-ibang gawaing pagsamba; ang mga ito ay binubuo ng pinagtipunang salita, pisikal at mga doktrina ng mga gawaing pagsamba. Ang mga doktrina ng mga gawaing pagsamba ay ang mga ‘Haligi ng Pananampalataya’, ito ang mga sumusunod; Ang Paniniwala sa Nag-iisang Diyos (Allah, U): Ang paniniwala sa Allah (U) nagpapahiwatig na ang Allah (U) ay Isa at Tanging Nag-iisa sa mga sumusunod na aspeto o pananaw ; 1) Kaisahan sa Kanyang Pagka-Rabb–PangAinoon (Tawheed Ruboobiyah); Ito ay pagpapatunay na ang Allah (U) ay Buhay, na Siyang lumikha sa buong sansinuklob, sa Kanya ang Pagmamay-ari at Siya ang Tagapamahala sa lahat ng bagay. Siya ang Nagpahintulot upang ang lahat ay maganap at mgkaroon ng buhay; na walang mabubuhay o mananatili maliban sa Kanyang Kapahintulutan. Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi ; “…Tunay na Kanya ang lahat ng (kapangyarihan ng) paglikha at kautusan. Luwalhati sa Allah, ang Panginoon ng lahat ng nilikha.” (Qur’an 7:54) Ipinaliwanag ng Allah (U) na Siya lamang ang Tanging Tagapaglikha at di-maaaring magkaroon ng ibang tagapaglikha. Ang Allah (U) ay nagsabi ; “Walang anak (o supling) na ipinanganak ng Allah, at walang iba pang diyos na kasama Niya. (Kung mayroon mang iba pang mga diyos), samakatuwid bawat diyos ay maaaring kuhanin nito ano anumang kanyang nilikha at marahil ang iba pang diyos ay magtangkang talunin ang iba! (ngunit) Luwalhati sa Allah, higit Siyang Mataas sa lahat ng (kasinungalingang) iniaakibat sa Kanya! ” (Quran 23:91) 2) Ang Kaisahan sa Pagsamba sa Kanya (Tawheed Uloohiyah) ; Ito ang pagpapatunay na ang Allah (U) ay siya lamang ang Tunay na Diyos, na karapat-dapat sambahin, at lahat ng mga gawaing pagsamba ay nararapat na iniuukol lamang sa Kanya. Hindi dapat umasa o kaya ay humiling sa iba maliban sa Kanya. Ang isang tao ay dapat lamang tumawag at humingi ng tulong sa Kanya upang maalis ang anumang suliranin o kaya upang maibsan ang ibang pangangailangan. Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi ; “At wala Kaming ipinadalang Sugo bago pa man sa iyo (O, Muhammad) na hindi Namin binigyan ng inspirasyon (na nagsasabing), Walang ibang Diyos na dapat sambahin kundi Ako (ang Allah), Kaya sambahin Ako (lamang at wala ng iba).” (Qur’an, 21: 25) 3) Ang Kaisahan ng Kanyang mga Pangalan at mga Katangian (Tawheed Al-Asmaa was-Sifaat) ; Ito ang paniniwala na walang katulad ang Kanyang mga Pangalan at mga Katangian ; at ang mga magagandang mga Pangalan at mga Banalna Katangian ay pag-aari lamang ng Allah (U) at siya ay malayo sa Kanyang di-kaganapang mga nilikha. Ang Allah (U) ay nagsabi ; “At (lahat ng) naggagandahang mga Pangalan ay nauukol sa Allah (lamang), kaya manalangin sa pamamagitan ng mga iyon at lisanin ang pangkat na nagpapasinungaling o nagtatakwil sa Kanyang mga Pangalan. Sila ay pagbabayarin sa anumang lagi nilang ginagawa.” (Qur’an 7 :180) Kami ay naniniwala at nananalig sa mga ipinahayag ng Allah (U) para sa Kanyang Sarili, at sa ibinigay na Katangian ng Sugo sa Kanya na walang paghahambing ng Kanyang mga Pangalan (U) sa Kanyang mga nilikha, na walang paglilihis at pagtatakwil sa mga kahulugan ng Kanyang mga Pangalan at mga Katangian. Ang Allah (U) ay nagsabi ; “…Walang anupamang bagay ang makatutulad sa Kanya, at Siya ang Ganap na Nakakarinig, ang Ganap na Nakakamasid”. (Qur’an 42:11) |