Tuesday, 06 January 2009
Punong Pahina
Ang Paniniwala sa Mga Banal na Kasulatan ng Allah (U) PDF Ilimbag Ipadala sa Email

Nararapat paniwalaan na ang Allah (U) ay nagpadala ng mga Banal na Kasulatan sa pamamagitan ng Kanyang mga Sugo upang ihatid ang mensahe sa lahat ng mga tao. Ang mga Aklat na ito sa kani-kanilang panahon ay naglalaman ng katotohanan at patnubay. Ang lahat ng mga Aklat na ito ay nag-aanyaya sa lahat ng tao na kumilala at sumamba lamang sa Nag-iisang Diyos, ang Dakilang Allah (U), na Siya ang Tanging Nag-iisang Tagapaglikha, ang Nag-iisang Nagmamay-ari, at taglay Niya ang lahat ng Magagandang Katangian at Pangalan. Ang Allah (U) ay nagsabi;

 

"Tunay na Aming ipinadala ang Aming mga Sugo na may dalang maliwanag na mga patunay, at ipinahayag sa kanila ang Kasulatan at ang Pamantayan (ng Katarungan) upang panatilihin (at ipatupad) ng sangkatauhan ang (diwa ng) katarungan…"  (Qur’an 57:25)

Ang Muslim ay dapat maniwala sa lahat ng mga Banal na Aklat at nararapat paniwalaan na ang mga ito ay ipinanaog ng Allah (U).

 
spacer