Tuesday, 06 January 2009
Punong Pahina
Ang Mga Mabubuting Bunga ng Paniniwala sa Mga Banal na Kasulatan ng Allah (U); PDF Ilimbag Ipadala sa Email

1)  Ang lubos na mauunawaan ang Habag at pagmamahal ng Allah (U) para sa Kanyang mga alipin; sapagka't ipinahayag Niya ang mga Banal na Kasulatan nagpapatnubay sa kanila sa Landas na maghahatid sa Kanyang Kasiyahan. Hindi Niya hinayaang mabulid ang tao sa dilim ng kasamaan at iniligtas tayo sa bitag ng Satanas'  o maligaw sa mga sariling pithaya o mithiin.

2) Sa pamamagitan ng Banal na Kapahayagan ay lubos na mauunawaan ng isang Muslim ang walang hanggang Karunungan ng Allah (U) sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga batas na angkop sa mga partikular na pamayanan  at akma sa kalagayan at mga pangangailangan ng tao sa lahat ng panahon.

3) Sa pamamagitan ng mga Banal na Kasulatan ay tuwirang makilala ang mga matatapat at tunay na Mananampalataya at ang kaibahan nila sa mga di-muslim. Isang tungkulin sa mga naniniwala sa Kanyang Banal na Aklat na pag-aralan at maniwala sa mga ibang Banal na Kapahayagan.
 
4) Madagdagan ang mga mabubuting gawa ng mga Mananampalataya sapagka't ang sinumang naniniwala sa Kanyang Aklat at sa mga naunang Aklat ay makatatanggap ng gantimpala nang higit sa isa. Ang Allah (U) ay nagsabi;

"Yaong sa kanila ay Aming ipinagkaloob ang Kasulatan (ang Tawrah at Injeel) bago pa man ito, sila ay naniwala (sa Qur'an). At nang ito ay bigkasin sa kanila, sila ay nagsabing: "Kami ay naniniwala rito. Tunay nga na ito ay katotohanan mula sa aming Rabb (Panginoon). Katiyakan na kahit noon pa man kami ay nabibilang sa mga Muslim (na sumusuko ng mga sarili sa Allah sa Islam (tulad ni Abdullah bin Salam at Salman Farsi). Sa kanila ay ipagkakaloob ang dalawang gantimpala sapagka't sila ay matiisin, at umiiwas sa kasamaan (sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan), at gumugugol (sa kawanggawa) mula sa anumang bagay na ipinagkaloob sa kanila." (Qur'an 28:52-54)


 
spacer