Tuesday, 06 January 2009
Punong Pahina
Ang Mga Mabubuting Bunga ng Paniniwala sa Mga Sugo at Propeta PDF Ilimbag Ipadala sa Email

1) Ating lubos na mauunawaan ang habag at pagmamahal ng Allah (U) para sa Kanyang mga alipin, sa dahilang nagpadala Siya (U) ng mga Sugo at Propeta upang ipahayag ang Kanyang Relihiyon at sila ay nagbigay ng tunay na halimbawa kung papaano isakatuparan ang tamang pamumuhay bilang alipin at kung paano ipalaganap ang katotohanan ng kanilang mensahe.

2) Ating lubos na makikilala ang mga tapat at tunay na Mananampalataya mula sa ibat-ibang paniniwala sa dahilang tungkulin ng bawa't Mananampalataya na pag-aralan at maniwala sa mga ibang Propeta at Sugo na nakatala sa kanilang mga aklat.

Ating paniwalaan ang kani-kanilang Propeta at Sugo tulad ng paniniwala natin sa huling dumating na Propeta at Sugo ng Allah () na si Muhammad (Nawa'y purihin at itampok ng Allah (U) ang pagbanggit sa kanya) at silang yumakap sa Islam ay makatatanggap ng dalawang gantimpala

 
spacer