Thursday, 09 September 2010
Punong Pahina
Ang Mga Mabubuting Bunga ng Paniniwala sa Qadaa at Qadar PDF Ilimbag Ipadala sa Email

1) Higit na maging matibay at matatag ang pagtitiwala sa Allah(U) (sa pag-asang makamtan ang mga minimithi) pagkaraang magampanan ang lahat ng pamamaraan.

2) Matututong tanggapin nang buong puso ang anumang nangyayari at ito ang nagbibigay ng kapanatagan sa puso at kasiyahan ng kaluluwa. Walang maiiwang bagabag, pag-alaala at kalungkutan na madarama sa anumang maging bunga ng mga pangyayari. Ang Allah (U) ay nagsabi;

" Walang sakuna (o masamang pangyayari) ang magaganap sa mundong ito at maging sa inyong mga sarili, maliban na ito ay nauna ng naitala sa Aklat ng Tadhana (Al Lauh Al Mahfuz) bago pa Namin pahintulutang ito ay maganap. Katotohanan, ito ay sadyang magaan sa Allah . Upang kayo ay hindi maghinagpis sa mga bagay na hindi ninyo nakamtan, gayon din naman, huwag ipagyabang ang (mga biyayang)  ipinagkaloob sa inyo. Hindi ninanais ng Allah ang mga mayayabang (at nagmamagaling)." (Qur'an 57:22-23)

 

3) Magiging madaling maglaho ang anumang nadaramang sakit na dulot ng mga sakuna o masasamang pangyayari. Ang Propeta Muhammad () ay nagsabi;

"Ang malakas na Mananampalataya ay higit na minamahal ng Allah kaysa sa isang mahinang Mananampalataya bagama't ang bawa't isa ay may kabutihan. Ikaw ay maging masigasig sa anumang bagay na may pakinabang at hanapin ang tulong ng Allah at huwag maging pabaya sa paggawa. At kung may pinsalang dumating sa iyo, huwag mong sabihin ang, 'kung ginawa ko sana ang ganito, walang nangyaring di-maganda'. Datapwat sabihin ang: 'Ito ang Takda (Qadaar) ng Allah, na anuman ang nais Niyang mangyari ito ay magaganap (Qadarullah wa maa shaa fa'al),' sa katotohanan, ang salitang 'kung o sana' ay magbubukas sa daan ng Satanas." (Muslim #2664)

4) Nadaragdagan ang gantimpala at nababawasan ang kasalanan. Ang Propeta () ay nagsabi;

"Walang Muslim na napapagod, nagkakasakit, nababagabag, nag-aalala o nababalisa, nalulungkot, at hindi inaalintana ang tinik na nakakatusok sa kanya maliban na ang mga ito ay nakababawas ng kasalanan." (Bukhari)

Ang paniniwala sa Qadar ay hindi tulad ng iniisip ng iba na nagtitiwala (o umaasa) sa Allah (U) nguni't hindi nagsisikap o nagtatangkang tuparin ang mga pamamaraan sapagka't ang Propeta ng Allah () ay sumagot sa isang taong nagtanong sa kanya ();

"'Hahayaan ko na lamang ba na di-nakatali ang aking kamelyo at magtiwala na lang ako sa Allah? Ang sabi ng Propeta, 'Itali mo at magtiwala ka sa Allah.'" (Saheeh ibn Hibbaan)

 


 
spacer