| Ang Mga Haligi ng Islam |
|
|
|
|
Ang mga uri ng pagsamba na isinasagawa na pangkatawan at pagbigkas ay tinatawag na Haligi ng Islam. Ito ang mga haligi na siyang kinatatayuan ng Deen, at siyang batayan ng isang tao upang siya ay ituring bilang Muslim. Ang mga haligi na ito ay tinatawag na, ang Dalawang Pagsaksi sa Pananampalataya, ang mga ito ay pasalitang haligi ng Islam. Ang pangalawa at pang-apat na haligi ng Islam ay ang pagdarasal (As-Salaah) at ang pag-aayuno (As-Sawm). Ang ikatlo ay ang pagbayad ng Zakah bilang pangkatawan na pagsamba na siyang pagbibigay ng sapilitang kawanggawa. Ang ikalimang haligi ng Islam ay ang paglalakbay sa Makkah (Hajj), magkahalong pisikal, pananalita at nananawagan ng paggugol mula sa kanyang kayamanan. Tinatawagan ng Islam ang mga Muslim hindi upang magsagawa lamang ng pagsamba, kundi, naglalayon itong gawing dalisay ang kanilang kaluluwa. Ang Allah (U) ay nagsabi tungkol sa pagdarasal (As-Salaah); “…Katotohanan ang pagdarasal (Salaah) ay pumipigil mula sa gawaing kahiya-hiya (Al Fahsha) at masasamang gawaing (Al Munkar)…” (Qur’an 29:45) Ang Allah (U) ay nagsabi tungkol sa ubligadong kawanggawa; “Kumuha ng kawanggawa mula sa kanilang yaman upang sila ay maging malinis at pagpalain sila nito.” (Qur’an 9:103) Ang Allah (U) ay nagsabi tungkol sa pag-aayuno (As-Sawm); "O kayong Mananampalataya (mga Muslim)! Ang (pagsasakatuparan ng) Sawm (pag-aayuno) ay ipinag-uutos sa inyo katulad ng ipinag-utos sa mga nauna sa inyo upang kayo ay maging Muttaqun ..." (Qur’an 2:183) Ang pag-aayuno ay nagtuturo ng pagpipigil ng isang tao at disiplina at hindi dapat sumunod sa sariling pithaya at pagnanasa. Ito ang pahiwatig ng Propeta () nang kanyang sabihin ang; “Kung ang isang tao ay hindi umiiwas sa pagsisinungaling at malaswang gawain, hindi kailangan ng Allah na siya ay dapat umiwas sa pagkain at pag-inom.” (Bukhari) Ang Allah (U) ay nagsabi tungkol sa Paglalakbay sa Makkah (Hajj) “Ang Hajj ay (nasa) kilalang mga buwan . Kaya, sinuman ang naglalayong magsagawa ng Hajj, samakatuwid hindi siya dapat makipagtalik (sa kanyang asawa) at hindi dapat gumawa ng kasalanan o makipagtalo ng walang kabuluhan sa panahon ng Hajj…” (Qur’an 2: 197) Sa Islam, ang pagsamba ay gumaganap ng mahalagang papel sa pagpapaunlad at paglinang ng kapuri-puring kaugalian, at pati ang pangangalaga ng pagkakaisa ng mga Muslim. Ang mga Haligi ng Islam ay ang mga sumusunod; |