Wednesday, 10 March 2010
spacer
spacer
.
Ang lahat ng aking mga tagasunod ay makapapasok sa Paraiso maliban lamang sa mga tumanggi. Sila’y nagtanong: O Sugo ng Allâh, sino ang tumanggi ? Siya’y nagsabi : Sinumang sumunod sa akin ay makapapasok sa Paraiso, at sinumang sumuway sa akin ay tumanggi. (Bukhari, Vol.9 #384)
 
spacer
Punong Pahina arrow Punong Pahina
Ika-apat na Haligi ng Islam: Ang Sawm (Pag-aayuno) sa Buwan ng 'Ramadhan' PDF Ilimbag Ipadala sa Email

Kailangang mag-ayuno ang isang Muslim sa buwan ng Ramadhan, sa bawa't taon. Nararapat na umiwas sa lahat ng bagay na makasisira sa pag-aayuno, tulad ng pagkain, pag-inom at pakikipagtalik ng mag-asawa mula sa oras ng pagtawag o hudyat ng 'Salatul-Fajr' hanggang sa pagtawag o hudyat ng pagsapit ng 'Salaatul-Maghrib' bilang tanda ng pagtalima o pagsunod sa kautusan ng Allah (U). Ang Allah (U) ay nagsabi,;

"O kayong Mananampalataya (mga Muslim)! Ang (pagsasakatuparan ng) Sawm  (pag-aayuno) ay ipinag-uutos sa inyo katulad ng ipinag-utos sa mga nauna sa inyo upang kayo ay maging Muttaqun  ..." (Qur'an 2:183)

 

Ang layunin ng pag-aayuno ay hindi lamang nakatuon sa pagpipigil sa mga makamundo at mga pagnanasa ng katawan na nakakasira sa pag-aayuno, bagkus, higit sa lahat, nararapat ding umiwas sa mga bagay na makababawas (ng gantimpala) sa panahon ng pag-aayuno tulad ng pagsisinungaling, paninirang puri, pang-aalipusta, pandaraya, at mga kasuklam-suklam na asal. Dapat tandaan na tungkulin ng mga Muslim ang pag-iwas sa lahat ng mga hindi magandang gawain at pagsasalita sa lahat ng oras kahit hindi pa sa buwan ng Ramadhan, nguni't higit sa buwan na ito, katulad ng sinabi ng Propeta ():

"Hindi kailangan ng Allah ang pag-iwas sa pagkain at inumin (ang pag-aayuno) ng isang Muslim kung ito ay hindi umiiwas sa mga maling gawain at mga salita." (Bukhari)

Ang pag-aayuno ay isang pagpupunyagi sa gitna ng kaluluwa ng isang tao at ng kanyang hangarin at pagnanasa (sa kamunduhan). Marami itong panlipunang kahalagahan na iniulat ng Propeta () sa kanyang mga pananalita;

“Lahat ng mga gawain ng mga anak ni Adan ay para sa kanilang sarili maliban sa pag-aayuno, dahil ito ay para sa Akin (Allah) at ito ay Aking gagantimpalaan. Ang pag-aayuno ay pananggalang; hindi siya dapat magsalita ng masama o magtaas ng boses o manigaw. At kung may nang-aaway sa kanya, dapat sabihin niya na, ‘Tunay na ako ay nag-aayunong tao.’ Sa Kanya na nakasalalay ang kaluluwa ni Muhammad, ang amoy mula sa bibig ng nag-aayunong tao ay higit na kasiya-siya sa Allah kaysa sa bango ng ‘musk’ (pabango). Ang isang nag-ayuno ay may dalawang kaligayahan: una ay sa oras ng paghinto ng pag-aauyno (at saka uminom) at sa oras na makatagpo at makita ang kanyang Rabb (Panginoon). (Bukhari)

Sa pamamagitan ng pag-aayuno, mapagtanto ng isang tao ang pangangailangan ng kanyang mahihirap na kapatid na walang sapat na makain, kasuotan at kulang sa kalinga; magkagayon siya ay magpursigi sa pagbibigay ng karapatan ng mga ito at mahikayat na magtanong sa kanilang kalagayan at kung ano ang kanilang kailangan.

 
 
spacer