| Karapatan ng mga Anak |
|
|
|
|
Karapatan ng mga anak na pangalagaan ang kanilang mga buhay at magkaroon sila ng kaaya-aya at magandang pangalan. Ito ay nilinaw ng Propeta () ng kanyang sinabi na ang kahulugan ay nagsasaad ng ganito; “Ikaw ay tatawagin sa iyong pangalan at sa ngalan ng iyong ama, kaya mamili kayo ng magagandang pangalan.” (Imam Ahmed) Dapat lamang na atin silang alagaan, ibigay ang kanilang pangangailangan (katulad ng pagkain, inumin, pananamit at matitirahan). Bigyan sila ng mainam na edukasyon at turuan sila ng mabubuting asal (katulad ng pagpapakumbaba, paggalang sa mga nakakatanda, maging tapat sa lahat ng bagay, at masunurin sa mga magulang at iba pa). Ilayo sila sa mga masasamang salita at gawain (kagaya ng pagsisinungaling, pandaraya, pagnanakaw, pagsuway sa mga magulang at iba pa). Ang Propeta () ay nagsabi na ang kahulugan ay nagsasaad ng ganito;
“Sapat na sa isang tao ang maging makasalanan sa pamamagitan ng pagsadlak sa kasamaan ng sinumang kanyang itinataguyod.” (Abu Dawood at Nasa’ee) At sinabi rin ng Propeta (); “Ang bawat isa sa inyo ay tagapagbantay at tagapangasiwa (ng kanyang kinasasakupan) at siya ang mananagot sa mga ginagawa ng mga taong kanyang sakop.” (Bukhari at Muslim) Ang mga anak ay dapat na pakitunguhan ng pantay-pantay at walang dapat itangi lalo na sa bigayan ng gamit gaya ng laruan at iba pa sapagka’t ito ay maka-pagdudulot ng sama ng loob. Minsan isang lalaki ang lumapit sa Propeta () upang gawin siyang saksi sa isang regalo na nais niyang ibigay sa isa niyang anak. Tinanong siya ng Propeta (), “Inihanda mo na rin ba ang mga regalong katulad nito para sa iba mo pang mga anak?” At siya ay sumagot na; “Hindi”. Nang marinig ng Propeta ay agad niyang sinabi, “Kung ganoon ay kumuha ka ng ibang saksi sapagka’t hindi ko ibig na maging saksi sa isang di-makatarungang gawain. Matakot ka sa Allah at maging pantay ka sa pakikitungo sa iyong mga anak.” (Bukhari at Muslim) |
Punong Pahina

