| ANG KAUGALIAN SA HAPAG-KAINAN |
|
|
|
|
1) Banggitin ang Pangalan ng Allah (U) (sa pagsabing 'Bismillah') bago kumain o uminom. Pagkatapos kumain at uminom ay dapat na magpasalamat sa Kanya [sa pamamagitan ng pagsabing 'Alhamdulillah' (papuri at pasasalamat ay para sa Allah (U)]. Kailangang unang kainin ang nasa inyong harapan (at hindi ang nasa harap ng iba), at gamitin ang kanang kamay kapag kumakain, sapagka't ang kaliwang kamay ay karaniwang ginagamit sa paglilinis ng mga marurumi (tulad ng maselang bahagi ng katawan pagkatapos gumamit ng palikuran at ibang katulad nito). Si 'Umar bin Abi Salamah () ay nagsabi; 'Noong ako ay bata pa, ako ay nasa hapag-kainan sa loob ng pamamahay ng Propeta ng Allah (), at ang aking kamay ay umaabot ng pagkain sa lahat ng pinggan (habang kumakain). Kaya ang Propeta ng Allah () ay nagsabi sa akin; "O bata, banggitin mo ang Pangalan ng Allah (bago magsimulang kumain), gamitin mo ang kanang kamay at iyong kainin muna ang nasa harapan mo." (Bukhari) 2) Hindi nararapat pintasan ang pagkain maging ito man ay hindi nakasisiya sa panlasa. Si Abu Hurairah () ay nagsabi; "Ang Propeta ng Allah ay hindi kailanman namintas sa anumang pagkain. Kung nais niya ito, ito ay kanyang kinakain at kung hindi naman niya nais, ito ay kanyang hahayaan (o hindi niya kakainin)." (Bukhari) 3) Iwasan ang pag-inom at pagkain nang labis. Ang Dakilang Allah ay nagsabi: "… at magsi-inom nguni't huwag maging mapagmalabis, katotohanan, hindi minamahal ng Allah ang mga taong Musrif (mga taong walang kabuluhang labis na paglulustay ng yaman)." (Qur'an 7:31) Ang Propeta () ay nagsabi: "Walang higit na masamang lalagyan na pinupuno ng isang tao kaysa sa tiyan. Sapat na kumain ng ilang subo ang isang tao upang magkaroon ng lakas na iunat ang kanyang likod, at kung siya ay kakain (nang higit), samakatuwid, panatilihin ang isang ikatlong bahagi para sa kanya pagkain, isang ikatlong bahagi para sa kanyang inumin at isang ikatlong bahagi para sa kanyang maluwag na paghinga." (Abu Dawud) 4) Huwag hingahan o hipan ang iniinumang lalagyan. Si Ibn Abbas ay nagsabi na ang Sugo ng Allah () ay ipinagbawal ang paghinga o pag-ihip sa mga lalagyang iniinuman. (Abu Dawud) 5) Hindi nararapat na dumihan ang pagkain o inumin para sa ibang tao. 6) Higit na nakalulugod na kumaing kasama ang ibang tao kaysa kumakaing nag-iisa. Ang isang tao ay nagsabi sa Sugo ng Allah (): "Katotohanan, kami ay kumain nguni't hindi nabusog." Siya ay nagsabi: "Ikaw ba ay kumakain magkakasalo o kumakaing mag-isa." Siya ay sumagot: "Nag-iisa." Siya ay nagsabi: "Magkihalubilo at kumaing magkakasama at banggitin ang Ngalan ng Allah, at ang inyong (pagkain) ay pagpapalain." (ibn Hibban) 7). Nararapat humingi ng pahintulot kung magsasama ng iba sa isang paanyaya. Ang isang tao mula sa Ansar na nangangalang Abu Shu'aib ay nag-anyaya sa limang katao na ang isang kabilang ay ang Sugo ng Allah (). Ang isang tao ay dumating na kasama nila. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: "Itong isang tao ito ay sumama sa amin, kung ito ay pauunlakan mo, siya ay isasama naming pumasok; at kung hindi naman, siya ay pababalikin." Ang nag-anyaya ay sumagot, "Huwag (siyang umalis), siya ay aking pinahihintulutang sumama (sa inyo)." |
Punong Pahina

