| ANG KAUGALIAN SA PANGANGALAKAL |
|
|
|
|
Sa pangkalahatan, ang kalakalan ay marapat at pinahihintulutan sa Islam sapagkat ito ay pagpapalitan ng mga bunga o ani sa pagitan ng namimili at nagtitinda. Nguni't kapag ang kapinsalaan ay nangyari sa isa o sa magkabilang panig, ang kalakalan ay isinasaalang-alang bilang di-marapat samakatauwid, ipinagbabawal. Ang Dakilang Allah ay nagsabi: "O kayong Mananampalataya! Huwag lustayin (o sirain) ang inyong mga ari-arian nang di-makatarungan." (Qur'an 4:29) Itinuturing ng Islam ang kinita mula sa kalakalan bilang pinakadalisay at pinakamabuting paraan ng paghahanap buhay. Ang Propeta ng Allah () ay tinanong kung ano ang pinakadalisay at pinakamabuting pinagkakitaan, at siya ay sumagot.
"Ang gawain ng isang tao mula sa paggamit ng kanyang sariling kamay at bawat makatotohanan at tapat na kalakal." (Haakim). Ito ay nangangahulugan din ng anumang gawain sa pamamagitan ng pagpapatulo ng sariling pawis at pinahihintulutang hanap-buhay ay tunay na kalugod-lugod sa paningin ng Allah (U) at ito ay sadyang pinagpala. Ipinag-uutos din ng Islam na maging makatotohanan at tapat sa pakikipagkalakalan. "Ang isang Muslim na makatotohanan at mapagkakatiwalaan ay kasama ng mga Shaheed (martir) sa Araw ng Paghuhukom." (Haakim) Hindi nararapat magbigay ng panunumpa kapag nakikipagkalakalan. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: "Maging maingat at iwasan ang labis na pagsumpa sa pakikipagkalakalan sapagkat kung ito ay kasinungalingan (o may bahid ng pandaraya), ang mga namimili ay bibili, nguni't gayon paman, ang pagpapala nito ay mawawala." Ipinag-uutos din na maaaring ibalik ang binili kung hindi nasisiyahan sa biniling bagay. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: "Sinuman ang tinanggap (o kinuhang muli) ang ibinalik (na binili) ng kanyang kapatid, kukuning muli (ang parusa) ng pagkakamali niya sa Araw ng Pagkabuhay Muli." (Silsilah-AsSaheeh) Maraming pang ibang kaugalian at asal na ipinag-uutos ng Islam. Subali't sanhi ng kakapusan, hindi namin maaaring banggiting lahat ito. Sapat na malaman na walang bagay sa buhay maliban na may mga talata ng Qur'an o Sunnah ng Propeta ang maaaring matunghayan ukol sa isang partikular na paksa. Ang dahilan dito ay sapagkat ang kabuuang buhay ng isang Muslim ay isinasaalang-alang bilang isang gawang pagsamba, at isang paraan ng pagpapaunlad ng kabutihan. |
Punong Pahina

