|
Bumuo ng 2 kopanan ang www.Tanglawbuhay.com, sa kategoriyang BC at C bilang mga kinatawan ng nasabing website sa kasalukuyang palaro sa tennis ng ATPR (Association of Tennis Players in Riyadh). Ang palaro ay ginaganap sa Tennis Complex ng Al Yamamah Hotel sa Riyadh. Ito ay nagsimula noong ika-7 ng Febrero nitong taon at matatapos sa Abril 18, 2008.
May mga 28 koponan ang sumali na may 12 manlalaro sa bawa’t koponan o umaabot sa 336 na manlalaro. Ang naturang palarong tenis ay ginaganap tuwing araw ang Huwebes at Biyernes lamang simula alas-4 ng hapon. Nangunguna ang koponan ng www.Tanglawbuhay.com C-category makaraan ang labing isang sagupaan ng mga koponan. Ang resulta sa ngayon ay lamang ang www.Tanglawbuhay.com ng 6 na puntos sa pumapangalawang kopanan, ang ARIN C-130 na may 17 puntos. Ang mga manlalaro ng koponan ng www.Tanglawbuhay.com ay ang mga sumusunod: Kategoriyang BC B-1 at B-2 - Lumpi Cornel at George Ortiz B-3 - Alfred Bagtilay at Lindi Capal B-4 - Eli Isahac at Nasser Nanong C-1 - Arnulfo (Poe) Soriano at Gino Cuevas C-2 - Nabil Mojica at Arnold Basagre C-3 - Pete Balisi at Khalid Evaristo Kategoriyang C C1 – Arnulfo Soriano at Jimmy delos Santos C2 – Nick Ishaq Losada at Arnold Basagre C3 – Mac Fajardo at Louie Pantig C4 – Nasil Kalayakan at Arvin Biscarra C5 – Jumah Del Mundo at Dagi Rajdimer C6 - Ramasi Ong at Santiago Tamayo
|