| SCTex (Subic-Clark-Tarlac Expressway) |
|
|
|
|
ni Khalid Evaristo Ang bahaging Subic–Clark ng katatapos na Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTex) ay binuksan ng ilang araw sa mga motorista nang libre noong nakaraang buwan. Isa sa mga proyektong nais iwanang pamana ni Presidente Gloria Macapagal Arroyo sa bansa. Sa panahong ganap na pagbubukas nitong SCTex, masisiyahan ang mga manlalakbay lalo na yaong mga nagnanais pumunta sa Subic, isa sa mga pook panturista sa bansa. Mayroon din itong lagusan palabas sa may Dinalupihan Interchange para sa mga nais pumunta sa Bataan. Ang biyahe mula Subic hanggang Clark sa may Angeles City ay nabawasan ng 40 minuto.Ang malaking proyektong ito ay naglalayong gawing isang “Super Region” ang Central at Northern Luzon at mga karatig pook. Inaasahang magsisilbi itong bagong sentrong pang-ekonomiya na magbibigay ng malawak na pagkakataon sa mga mamumuhunan sa bansa, sa kalakalan at hanapbuhay para sa mamamayan. Halina’t sulyapan ang ilang bahagi ng SCTex sa pamamagitan ng mga kuhang litrato sa loob ng bagong expressway. Maligayang paglalakbay! |
