Friday, 05 December 2008
Punong Pahina arrow Kaganapan arrow ISANG PANAYAM SA PNP-HQ DASMARINAS, CAVITE
ISANG PANAYAM SA PNP-HQ DASMARINAS, CAVITE PDF Ilimbag Ipadala sa Email

Ni Omar Penalber 

Sa pangunguna ng Hepe ng PNP sa Dasmarinas, Cavite na si Colonel Paras, inanyayahan ang ISCAG-Philippines upang magbigay ng paliwanag tungkol sa Islam sa mga miyembro ng PHP sa nasabing pook. Marami sa mga pulis, lalake at babae, ang dumalo sa naturang panayam. Ito ay dinaluhan din ni Colonel Khalid Charles Calima ang Regional Director ng Intelligence Team ng CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon).

Ang panayam hinggil sa pangunahing paniniwala at doktrina ng Islam ay umabot ng dalawa at kalahating oras kasama na rito ang bahaging pagsagot sa mga katanungan. Ang mga nagsidalo ay masusing nakinig, nagtanong at nagsabi na ngayon lamang nila narinig ang magandang katuruan ng Islam na sadyang taliwas sa kanilang naririnig at pananaw.

Ang ilan sa kanila ay nangakong pupunta sa tanggapan ng ISCAG upang magakaroon ng karagdagang impormasyon tungkol sa Islam. Ang ISCAG ay isang Non-Profit Organization na itinayo upang maghatid ng tunay na katuruan ng Islam sa mga Pilipino tungo sa pagkakaunawaan, kapayapaaan at kaunlaran ng bansa.

 
spacer