Wednesday, 10 March 2010
Punong Pahina arrow Tungkol sa Amin
TUNGKOL SA AMIN PDF Ilimbag Ipadala sa Email

Inilunsad ang TANGLAWBUHAY.COM sa kapakanan ng bawa’t Pilipino na matapat na nagnanais malaman ang katuruan ng Islam.  Nawa’y magsilbing ilaw at patnubay ito tungo sa pagkakaunawaan ng bawa’t isa sa layuning makamit ang inaasam na katiwasayan at kaunlaran ng ating bansa.

 Maglalathala kami ng iba’t ibang lathalain at mga aklat tungkol sa Islam at mga Muslim upang maunawaan ng bawa’t Pilipino, Muslim man o hindi, ang hinggil dito. Sa ganitong paraan, makakamit ng sinuman ang tamang kaalaman ayon sa mapananaligang batayan sa halip na maging biktima ng mga balita at impormasyon na kadalasa’y may ibang layon kaysa sa pagiging makatotohanan.

Ang isang matalino at maingat na tao ay lagi nang nagsusuri bago siya gumawa ng pagpapasiya sa anumang gagawin maging ito hinggil sa kanyang pangangailangang materyal o ispirituwal. Mataman niyang sinisiyasat ang lahat ng panig at pananaw bago siya pumili sa anumang landas na tatahakin. Magagamit lamang niya ang kanyang kakayahang pumili kung mayroong siyang higit sa isang pagpipilian. Kaya naman, masasabi nating ang tao ay tunay na nagkaroon ng pagkakataon sa pagpili o pagbibigay-tangi sa anupamang bagay kung siya ay naharap sa dalawa o higit pang panig ng anumang usapin. Inihaharap namin sa inyo ngayon ang Islam bilang isang panig ng pananampalataya at pamamaraan ng buhay upang inyong suriin at siyasatin. Malaya kayong magbigay-puna sa mga lathalain at mga aklat na aming pinili para sa inyong magiliw na pagbabasa.

Ang Tanglawbuhay.com ay may layuning ibahagi ang katuruan ng Islam sa inyong lahat saan man panig kayo ng mundo naroroon, upang inyong malaman at maunawaan ang layunin ng mga Muslim tungo sa malinis na pamumuhay, katiwasayan at kasaganaan – ang inaasam din ng bawa’t mabuting Pilipino.

Sumainyo nawa ang patnubay at pagpapala ng ating Dakilang Lumikha – Allah.

Maraming salamat po.

 

Ang Pamunuan
Tanglawbuhay.com

 

 

 
spacer