Tuesday, 06 January 2009
Punong Pahina arrow Aralin arrow Mahusay na Pamalit
Mahusay na Pamalit PDF Ilimbag Ipadala sa Email

At nais ng Allaah na pagaanin ang inyong pasanin, sapagka’t ang tao ay nilikhang mahina. (Kabanata An-Nisa- 4:28)

Isa sa kagalingan ng Islam ay ang pagpapakita ng habag sa tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng higit na mahusay na kapalit sa anumang ipinagbabawal nito.  

Ipinagbabawal ng Islam ang patubuan, nguni’t pinahihintulutan naman nito ang kapaki-pakinabang na kalakalan.

Ipinagbabawal ng Islam ang sugal, nguni’t pinahihintulutan ang manalo ng premyo sa mga paligsahan katulad ng pagtudla (shooting), patulinan (racing), pakikipagbuno (wrestling), atbp.

Ipinagbabawal ng Islam ang pangangalunya, nguni’t hinihikayat naman nito ang mga Muslim na mag-asawa sa sandaling kaya na nilang bumuhay ng pamilya.

Ipinagbabawal ng Islam ang anumang bagay na nakalalasing, nguni’t pinahihintulutan naman nito ang anumang inuming mabuti at nakabibigay-kalusugan.

Ang ganitong panuntunan ay naroroon sa lahat ng katuruan ng Islam.  Sapagka’t katotohanang hindi nais ng Allaah na gawing mabigat, masikip at mahigpit, bagkus nais Niyang bigyan ang tao ng kagaanan, kabutihan, patnubay, at habag para sa kanila.

 
Salin ni Khalid Evaristo

Pinagkunan: Ang Panuntunan ng Halal at Haram ni Yusuf Al-Qaradawi

 
spacer